Connect with us

Agriculture

P629 M Na Rehab Project sa Madalag Ipinagbubunyi

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

MADALAG, Aklan- Ipinagbubunyi ng ibat ibang agricultural organizations sa lalawigan ng Aklan ang pag apruba ng mayย  Php 629,946,632.96 para sa pagsasaayos ng aabot sa 17.719 na kilometro ng kalsada sa bayan ng Madalag, Aklan.
Ayon kay Department of Agriculture–Western Visayas Regional Executive Director Dennis Arpia, eto ay matapos aprubahan ng Regional Project Advisory Board panibagong I-BUILD subproject sa PRDP Scale-Up Project. Layon nito na maisaayos ang kalsada sa Poblacion-Tigbawan-Alas-as-Mamba-Medina-Panipiason Farm-to-Market Road .
Dahil dito, nagpaabot ng kani-kanilang pagbati sila Aklan Governor Jise Enrique Miraflores, Provincial Agriculture Head Alexys Apolonio, Arnulfo Magcope, head ng Provincial Fisheries and Agriculture Council-Aklan at iba pa.
Napag-alaman na may pitong taon na rin etong ipinaglalaban ng Aklan provincial government sa pamumuno pa ni dating Governor Florencio Miraflores.
Base sa report, sa nasabing pondo, mangagaling sa World Bank ang halagang P440, 962, 643.06; nasa P62, 994, 663.30 naman ang kontribusyon ng Department of Agriculture at P125, 989, 326.59 naman ang equity ng Aklan Provincial Government.
Ayon kay Arpia, labis daw na makakatulong ang nasabing proyekto sa mga Akeanon Bukidnon ng Madalag at sa mga nagtatanim ng abaka.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay