
Boracay Island- Todo ang ipinakitang suporta ni Maria Damian, tubong Barangay Estancia, Kalibo sa paglunsad ng pelikulang Sisa sa Metro Manila.
Ang pelikulang Sisa ay pinangunahan ng batikan na artista na si Hilda Koronel. Ang nasabing pelikula na may temang panahon ng giyera noong pananakop ng Amerikano. Sa nasabing pelikula, si Koronel ay nasiraan ng bait matapos makasaksi ng isang massacre.
Ayon kay Damian na isang respetado sa hanay ng entertainment sa Los Angeles California nagbiyahe pa siya ng Manila para amang ipakita ang suporta sa kaniyang matalik na kaibigan na si Koronel.
Ang nasabing pelikula ay kinokonsiderangย come back movie ng nasabing aktres.
Isinagawa ang movie premiereย sa SM Megamall at sa direksyon ni John Robles Lana. Kasama rin ni Koronel sa nasabing pelikula sina Eugene Domingo, Jennica Garcia at iba pa.
Mapapanood ang Sisa sa 175 na sinehan sa buong bansa kasama na ang Citymall-Boracay.