
Boracay Island-Dumadami sa ngayon ang mga nabibiktima ng pekeng P1,000 na salapi sa isla ng Boracay.
Umabot na sa tatlong kaso ang namonitor ng Boracay Island News Network (BINN) na nabiktima ng pekeng P1,000. Kamakailan isang tour guide ang nagpabatid sa Malay Police Station na nabiktima eto ng nasabing pekeng pera.
Sa Facebook post ni Gil Delos Santos, may ari ng GMarket sa Boracay, sinabi niyang pangalawang beses na siyang nabiktima ng pekeng salapi. Nalaman lamang daw niya na peke ang pera nang sinubukan niyang ideposito eto sa kaniyang bank account.
Ayon kay Delos Santos, pinag-iingat din niya ang mga negosyante sa Boracay dahil posibe ring mabiktima sila ng pekeng salapi.