Connect with us

Latest News

“Serbisyong may Puso: Sagip-Buhay sa Aklan”

Published

on

MADALAG, Aklan- Isang ina sa Barangay Paningayan, Madalag, Aklan ang nailigtas kamakailan mula sa tiyak na kapahamakan dahil sa maagap na aksyon at tunay na malasakit ng mga tauhan ng Madalag Municipal Police Station.
Sa loob ng halos 30 minutong pakikipag-usap, buong tiyaga at malasakit na pinayapa nina PMSg Edmond A. Olid at PSSg Sheryl N. Santillan ang ginang na may apat na anak. Ngunit nang bigla itong nagtangkang lumusong sa mas malalim na bahagi ng ilog, agad na tumalon si PMSg Olid, kasama ang ilang residente, upang mailigtas siya mula sa panganib.
Hindi natapos ang kanilang serbisyo sa mismong insidente. Ilang araw makalipas, bumisita muli ang Madalag PNP sa tahanan ng ginang upang maghatid ng moral support at kaunting tulong, na nagpapatunay na ang pagiging pulis ay higit pa sa pagpapatupad ng batas, ito ay pagiging tagapangalaga ng buhay, pag-asa, at komunidad.
Pinuri ng pamunuan ng PNP ang ipinakitang tapang at malasakit ng mga pulis na ito, mga tunay na huwaran ng Serbisyong may Puso.
Saludo ang NAPOLCOM sa inyo, PMSg Olid at PSSg Santillan. Kayo ang larawan ng Tamang Gawa, Tamang Gawi!
-Ulat mula sa Napolcom Region VI