Isasapinal na ng Aklan Provincial Government ang mga dokumento na kinakailangan para sa kanilang proposed budget sa taong 2023.
Ito ay matapos ang apat na araw na pinaka huling deliberasyon ng Sangguniang Panlalawigan at ng iba’t ibang mga departament heads.
Ayon kay Aklan Second District Board Member Jay Tejada, masobra sa P2.626 bilyon pesos ang proposed budget para sa nasabing taon na may temang “Strengthen Resilience Towards Recovery”. Sakop pa rin nito ang mga programa at proyekto para sa pag-unlad ng lalawigan mula sa grabeng epekto ng pandemya.
Kasunod nito, ipinagmamalaki rin ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ang pagiging billionaire province dahil malaki ang pundo na paikutin nila para dito.
Dagdag pa ni Tejada na tumaas rin ang budget ng probinsya ng halos P100 million para sa masunod nga taon. Mula ito sa local income para sa susunod na taon dahil 14% lamang ang tax allocation mula sa national government.