
KALIBO, Aklan – Aabot sa 21 na business establishmentsย ang nagpahayag na sasali sa nego parada sa darating na January 14 bilang bahagi ng selebrasyon ng Kalibo Sr. Sto.ย Ati-atihan Festival.
Ang taunang nego parada ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commere and Industry-Aklan Chapter sa pakikipagtulungan sa Kalibo Tourism Office, Kalibo Ati-atihan Festival Board at ng lokal na pamahalaan ng Kalibo.
Sa nasabing bilang, 13 ang nagpahayag na sasali sa float competition kung saan inaasahang magbibigay ng dagdag na kulay eto sa Kalibo Ati-atihan. Magsisimula ang nego parada ala una ng hapon ds ABL Sports Complex at iikot eto patungong Kalibo Pastrana Park.
Ipapakita ng mga negosyante ang kanilang sariling interpretasyon sa pamamagitan ng float parade na nagsisimbulo sa ati-atihan festival na tinaguriang Mother of All Philippine Festivals.