Connect with us

Election 2025

70 na Pari kay Leni

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Mahigit 70 pari mula sa Archdiocese of San Fernando sa Pampanga ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice-President Leni Robredo bilang pangulo sa halalan sa Mayo.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga pari na ilan sa mga dahilan ng kanilang pagsuporta kay Robredo ay ang pagprayoridad nya sa kabutihan ng lahat, pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng tao, at mabuting pamamahala.

Nanawagan din sila sa kapwa Kapampangan na pag-aralang mabuti ang pipiliing kandidato at magpasya batay sa kakayahan ng kandidado na makapagbigay ng mabuting paglilingkod, transparency at pananagutan sa taumbayan.

Kabilang sa mga pumirma sa pahayag sina Vicar General Fr. Francis Dizon, chancellor Fr. Danny Nacpil, at Fr. Victor Nicdao, Rector ng Mother of Good Counsel Seminary. Nakatuon ang platapormang “Oplan Angat Agad” ni Robredo sa trabaho, kalusugan at edukasyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay