Connect with us

Election 2025

Angel Locsin, iba pang artista nagbahay-bahay para kay Robredo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Bilang pagsunod sa panawagang paigtingin pa ang pagtulong sa kampanya ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo, nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres na sina Angel Locsin at Marjorie Barretto, noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula sa kanyang pagbisita sa Marawi City, pinangunahan ni Locsin ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental kung saan hinikayat niya ang mga kapwa tagasuport na kumausap ng 10 tao bwat araw at kumbinsihin silang iboto si Robredo sa halalan sa Mayo.

Sinamahan naman ni Barretto si Aika Robredo, anak ng Bise Presidente, sa kanilang pagbisita sa ilang barangays sa Quezon City.

Maagang sinimulan ng beteranang aktres ang pagbabahay-bahay nang bisitahin niya ang ilang lugar sa Pasig kung saan kinumbinsi niya ang mga botante na si Robredo ang pinakuwalipikadong pamunuan ang bansa.

“This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country,” wika ni Barretto sa Instagram.

Nag-ikot naman “PieDu” love team naman ng aktor na sina Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache sa isang palengke sa Quezon City at ipinabatid ang mga plano ni Robredo para sa bansa.

Nagpamigay rin sila ng pamphlets at ibang babasahin na naglalaman ng track record at mga nagawa ni Robredo.

Sumama naman ang aktres at singer na si Agot Isidro sa pagbabahay-bahay sa Tagbilaran, Bohol at bumisita sa isang palengke kasama ang campaign manager ni Robredo na si dating Senador Bam Aquino.

Tinalakay naman ng beteranang aktres na si Pinky Amador at hipag ni Robredo na si Dr. Robredo-Bundoc ang plataporma ni Robredo na “Oplan Angat Agad” sa mga residente nang mag-ikot sila sa Dumaguete City.

Nakatuon ang platapormang “Oplan Angat Agad” ni Robredo sa trabaho, kalusugan at edukasyon.

Nais matiyak ni Robredo na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay.

Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si Robredo ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Pilipino. Nais din ni Robredo na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.
Write to Avril Daja

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay