Connect with us

Lifestyle

Bagong tourist attraction, binuksan sa bayan ng Ibajay

Published

on

Ni: Shaine Sorrosa

Ibajay, Aklan – Isang bagong pasyalan ang binuksan kamakailan sa Barangay Aparicio, Ibajay Aklan na tiyak na kagigiliwan ng mga mahilig sa kalikasan. Ang Aparaiso Tublihan Falls ay isang likas na talon na matatagpuan sa gitna ng luntiang kagubatan, at ngayo’y bukas na sa publiko.
Sa halagang ₱20 lamang na entrance fee, maari nang ma-enjoy ang malamig na tubig, sariwang hangin, at tahimik na paligid na hatid ng talon. Para naman sa mga gustong mag-relax at magtagal, may mga cottages ding available sa halagang ₱300 — swak sa pamilya at barkada.
Patuloy din ang kanilang isinasagawang pagsasaayos sa lugar upang mas mapabuti pa ang mga pasilidad at madagdagan ang mga atraksyong maaaring ma-enjoy ng mga bumibisita. Kabilang dito ang planong pagdagdag ng mga taniman, eco-trails, at iba pang nature-friendly na proyekto.
Bukod sa natural na kagandahan, inaasahang makatutulong din ito sa kabuhayan ng mga lokal na residente sa pamamagitan ng mga serbisyong may kinalaman sa turismo.
Ang Aparaiso Tublihan Falls ay isa sa mga patunay na ang tunay na ganda ng kalikasan ay matatagpuan mismo sa ating mga komunidad. Isa itong panibagong hakbang tungo sa mas progresibong turismo sa bayan ng Ibajay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *