
Dr. Willie Ong: ‘Si Senador Aquino ay Senador para sa lahat ng Pilipino’ Inindorso ni Dr. Willie Ong ang kandidatura ni dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino noong Lunes (Marso 31) dahil pagsusulong nito sa libreng edukasyon.
“Sinusuportahan ko ang kandidatura ni Senator Bam Aquino dahil sa kaniyang adbokasiya para sa libreng edukasyon,” wika ni Ong, na tumakbong Vice President noong 2022 at kilala sa social media sa kanyang mga libreng payong pangkalusugan.
“Taos sa puso ko ang habambuhay na misyon ko na maging doktor para sa lahat ng Pilipino, at ganoon din si Senator Bam Aquino sa pagiging Senador para sa lahat ng Pilipino,” dagdag pa ni Ong.
Ginawa ni Ong ang pag-endorso nang bisitahin siya ni Aquino kasama ang kanyang maybahay na si Timi sa kanyang tanggapan sa Pasay City. Naroroon din ang asawa ni Ong na si Dr. Liza Ong.
Inendorso na rin ang kandidatura ni Aquino nina dating bise presidente Leni Robredo, dating Senate President Frank Drilon, Senate President Chiz Escudero, Senadora Grace Poe at Senador Win Gatchalian.