Connect with us

Election 2025

13K Votes! Capiz guv inindorso sila Camille Villar, Tito Sotto sa pagka senador

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Roxas City- Personal na inindorso ni Capiz Governor Fredenil Castro sila dating senate president Tito Sotto at Las Pinas Congresswoman Camille Villar para manalo sa pagka senador sa darating na halalan sa Mayo 2025.
Kasama ni Castro sa pag endorso sila Vice Governor James Magbanua, second district Congresswoman Jane Castro kasama ang mga alkalde ng Capiz at iba pang opisyal.
Dumalo rin sa isinagawang proklamasyon sa Villareal Stadium ang may 10,000 na mga mangingisda at magsasaka sa lalawigan ng Capiz. Hiniling din ni Castro ang  suporta para kila Sotto at Villar sa may 3,000 na empleyado sa kapitolyo.
Ayon kay Castro, naniniwala siya sa kakayahan nila Sotto at Camille Villar sa pagka senador dahil na rin sa integridad at walang bahid na korapsyon sa kanilang ilang taon na pagseserbisyo sa publiko.
Isinagawa ang programa ng kapitolyo sa layong kilalanin ang mga sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda sa Capiz bilang seafood capital ng bansa.
Ayon naman kay Villar, malapit sa puso niya ang mga magsasaka at mangingisda dahil ang lolo niya ay naging isang mangingisda din sa karatig lalawigan ng Iloilo noong unang panahon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay