Connect with us

Election 2025

Ex-brgy. chairman sa Ombudsman: Imbestigahan ang P41-M COA disallowances sa panahon ni Mabilog

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Iloilo City- Patuloy ang panawagan ng isang dating barangay chairman sa Office of the Ombudsman na silipin ng P41 milyong halaga ng diumanoy  transaksyon na na-disallow ng Commission on Audit (COA) sa panahon ni dating mayor Jed Patrick Mabilog.

Sa sulat na may petsang Pebrero, hiniling ni Amado Jubelag Hollero ng Our Lady of Lourdes, Jaro District, sa Ombudsman-Iloilo City na imbestigahan ang usapin, na hanggang ngayon ay matagal pa ring isyu sa COA Annual Audit Reports (AAR) para sa Iloilo City. Sa COA 2014 report, na-disallow ang P39.7 milyon para sa pagbili ng landfill compactor habang P1 milyon naman ang na-disallow noong 2013 kung saan hindi nasingil ng withholding tax ang isang contractor ng pamahalaang lokal.

“I seek the Ombudsman’s attention and assistance knowing that an ND can only be settled either through payment (refund) or through submission of the required documents and information,” wika niya.

Inapela ng lokal na pamahalaan ang desisyon, ngunit nagtago na si Mabilog ng pitong taon matapos iugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga. Naging final at executory ang pasya noong Hunyo 21, 2018, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang isyu.

Nagbalik si Mabilog sa Pilipinas matapos ang pitong taong pananatili sa ibang bansa matapos iugnay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga at sa napatay na drug lord na si Melvin “Dragon” Odicta.

Noong 2017, sinipa siya ng Office of the Ombudsman sa puwesto matapos mapatunayang guilty sa serious dishonesty dahil sa hindi maipaliwanag na yaman na nagkakahalaga ng P8.9 milyon mula 2012 hanggang 2013.

Bagamat nakatanggap ng executive clemency kaugnay sa administratibong parusa sa nasabing kaso, nahaharap pa rin si Mabilog sa kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng pagpabor niya sa isang towing services firm kung saan mayroon siyang interes.

Pagbalik niya sa bansa, nagpiyansa si Mabilog ng P90,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nauna nang itinangi ang mga paratang na eto ni Mabilog.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay