Magandang balita para sa lahat ng empleyado ng gobyerno! Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na maaga nitong ipamimigay ngayong Nobyembre 2025 ang year-end bonus at ₱5,000 cash gift.
Pursuant to Budget Circular No. 2024-3, the year-end bonus and ₱5,000 cash gift will be released with the first agency payroll of Nov. 2025,” ani DBM Secretary Amenah Pangandaman. ‘]
Dagdag pa ng Kalihim, “the DBM is one with the President in ensuring that our public servants feel the warmth of our Bagong Pilipinas. Pinapahalagahan po natin ang sipag at kahusayan ng ating mga lingkod-bayan kaya naman, sinisiguro nating maibibigay sa tamang oras ang kanilang mga benepisyo.”
Ayon pa kay Secretary Pangandaman, “We know how much government personnel look forward to this time of the year not just because it’s the season of giving, but because it’s a well-deserved recognition of their service and sacrifice.”
Para sa fiscal year 2025, may kabuuang ₱63.69 bilyon ang inilaan para sa year-end bonus ng mga civilian at uniformed personnel, at ₱9.24 bilyon naman para sa cash gift, na sasaklaw sa mahigit 1.85 milyong empleyado ng gobyerno sa buong bansa.
Ang year-end bonus (YEB), na katumbas ng isang buwang basic pay base sa sahod noong Oktubre 31, at ang ₱5,000 cash gift, ay taunang ibinibigay bilang pagkilala sa pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani ng gobyerno. Tiniyak ng DBM na nailabas na ang lahat ng pondo para rito sa simula pa lang ng taon upang mabilis na maiproseso ng mga ahensya ang pagbibigay ng benepisyo sa kanilang mga empleyado.
Ayon sa mga panuntunan ng DBM, ang mga empleyadong nakapagsilbi ng hindi bababa sa apat na buwan simula Enero 1, at nananatiling nasa serbisyo hanggang Oktubre 31, ay karapat-dapat tumanggap ng YEB at CG. Pinaalalahanan din ng DBM ang lahat ng ahensya ng gobyerno na ipalabas ang mga bonus sa tamang oras at ayon sa itinakdang budget circulars.