
KALIBO, Aklan- Hangarin diumano ni Balete Mayor at ngayon ay vice gubernatorial candidate Dexter Calizoย na mas lalo pang mapalakas ang sektor ng cultural tourism sa Aklan.
Inihayag eto ni Calizo sa paglunsad ng ‘EAHA Baleten-on’ exhibit sa Citymall-Kalibo. kung saan ibinida ang ibat ibang tradisyonal na pagkain sa bayan ng Balete.
Ilan lamang sa mga ibinida ay ang mga suman, baye baye, puto bongbong at iba pang lokal na pagkain ng nasabing bayan.
Ayon kay Calizo, mahalaga ang pagtataguyod ng cultural tourism sa Aklan para mapreserba ang mga tradisyonal na pagkain hindi lamang sa bayan ng Balete kung hindi pati na rin sa buong lalawigan ng Aklan.
Isinagawa ang food exhibit bilang bahagi ng national food month.
Sinabi naman ni Balete Vice Mayor Patrick Lachica na nagpapasalamat siya sa mga Aklanon dahil madaling naubos ang mga produktong kanilang ibinahagi sa Citymall.
Sinuportahanย ang exhibit hindi lamang ng Balete LGU kung hindi pati na rin ang ibat i bang paaralan sa Aklan katulad. ng STI-Kalibo, Aklan State University Campus at iba pa.
Si Calizo ay tumatakbo bilang bise gubernador sa ilalim g Tibyog Aklan.