
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Isang mabigat na pagsubok ang kinakaharap ngayon ng pamilya Datu matapos maaksidente si Kurt Datu, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising matapos masangkot sa banggaan ng motorsiklo.
Ayon sa pamilya, parehong dinala sa ospital ang mga sangkot sa aksidente, ngunit si Kurt ang pinakagrabe ang tinamo. Patuloy siyang nilalabanan ang kanyang kalagayan habang umaasa ang kanyang mga mahal sa buhay na magising siya at makapagsalita muli.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, palaki nang palaki ang gastusin. Umaabot ng halos โฑ8,000 kada reseta ang mga gamot na kailangan ni Kurt. Naibenta na ng pamilya ang karamihan sa kanilang mga gamit at ari-arian upang matustusan ang araw-araw na pangangailangan at mga bayarin sa ospital.
Ngayon, ang huling baraha na lamang nila ay ibenta ang kanilang bahay at lupa โ ang tanging natitirang pag-aari โ para lamang maipagpatuloy ang gamutan ni Kurt.

Sa mga may mabubuting puso, kahit maliit na halaga ay malaking tulong na para sa kanila. Ang inyong tulong ay pag-asa para kay Kurt na muling magising at makabalik sa piling ng kanyang pamilya.
Lubos na nagpapasalamat ang pamilya Datu sa bawat dasal, tulong, at malasakit. Sa gitna ng hirap, nananatili ang kanilang pag-asa na sa tulong ng Diyos at ng mga taong may ginintuang puso, makakabangon si Kurt.