
Pasay City โ Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng ganap na tulong ang mga Filipinong tripulante na naapektuhan ng pag-atake sa barkong MV Minervagracht, personal na sinalubong ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang sampung (10) tripulante na ligtas na nakabalik sa bansa ngayong gabi, Oktubre 4, 2025, sakay ng Air France Flight No. 224 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City.
โKawawa talaga ang ating mga tripulante sa ganitong sitwasyon, kaya bigyan natin sila ng ganap na tulong,โ Ang sinabi ni Pangulong Marcos, kasabay ng kanyang direktiba sa Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya ng pamahalaan na tiyaking mabigyan ng sapat na tulong, proteksyon, at reintegrasyon ang mga marino.
Ayon kay Secretary Cacdac, buo ang pagtupad ng DMW sa atas ng Pangulo upang masiguro ang maayos na panunumbalik ng mga tripulante sa kanilang normal na pamumuhay.
โLubos naming ipinatutupad ang utos ng Pangulo. Tutulungan namin kayo sa inyong ganap na panunumbalik, sa paghahanap muli ng trabaho, pagkakaroon ng kabuhayan, at pagsasanay,โ ani Secretary Cacdac. โPero ang mahalaga ay makasama muna ninyo ang inyong pamilya,โ dagdag pa ng Kalihim.
Tiniyak din ni Secretary Cacdac na maibibigay nang wasto ang lahat ng benepisyo at karampatang entitlements sa ilalim ng umiiral na kontrata ng mga tripulante. โSisiguruhin namin ang maayos na delivery ng inyong mga benepisyo at karapatan. Bukod dito, nag-aalok din ang pamahalaan sa pamamagitan ng DMW ng mga serbisyong pangkalusugan, kabilang ang physical at mental health support at psychosocial counseling, upang madagdagan ang tulong na ibinibigay ng inyong licensed manning agency,โ dagdag ng Kalihim.
Samantala, tumanggap ang mga tripulante ng pinansiyal na tulong mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD), gayundin ng training vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at accommodation mula sa kanilang licensed manning agency.
Kasama ni Secretary Cacdac sa pagsalubong sina Administrator Patricia Yvonne Caunan, Undersecretary Bernard P. Olalia, DFA Assistant Secretary for Migrant Workers Affairs Ezzedin Tago, DMW Assistant Secretaries Jerome Pampolina at Venecio Legazpi, Deputy Administrator Jasmin Gapatan, at iba pang opisyal at personnel DMW, OWWA, DFA, MIAA Medical Team, DSWD, at licensed manning agency.
Ang kanilang ligtas na pag-uwi ay naging posible sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Ankara, Philippine Consulate General sa Istanbul, Migrant Workers Offices (MWOs), at ng licensed manning agency kasama ang kanilang local agent sa Istanbul.