Connect with us

Election 2025

Puwersa ng Tibyog ipinakita ang pagkakaisa sa unang araw ng kampaniya; pinakamahabang motorcade sa Aklan

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

LEZO, Aklan- Ipinakita ng Tibyog Aklan ang puwersa ng pagkakaisa sa unang araw ng kampaniya para sa nalalapit na election sa Mayo 2025.

Pinangunahan ni dating Aklan Governor Florencio Miraflores na siyang nagsisilbi bilang kasalukuyang ama ng Tibyog ang isa sa tinaguriang pinakamahabang motorcade sa kasaysayan ng lalawigan. Halos umabot sa isang daang mga motorsiklo, kotse at truck ang nakilahok sa motorcade simula Buruanga hangang bayan ng Malinao, Aklan.

Maliban kay Miraflores kasama din nito ang anak na si Governor Jose Enrique Miraflores, Vice Gubernatorial candidate Dexter Calizo, mga mieymbro ng Sanguniang Palalawigan Western District at ng mga supporters. Naging sorpresa din sa marami ang pagdating ni Eastern District Congressman Carlito Marquez at ng anak nitong bagong congressional aspirant Jess Marquez.

Personal naman na sinalubong ni outgoing Lezo Mayor Mary Lynette Fernandez ang grupo ng Tibyog kasama ang anak nitong si Meekiah Fernandez-Icasas, Ang batang si Icasas ay siyang kasalukuyang tumatakbo bilang bagong alkalde ng Lezo matapos manilibihan ng isang termino sa Sanguniang Bayan ng Lezo.

Sa pagdating nito sa Lezo, Aklan pormal na binuksan ang municipal headquarter ng Tibyog sa mismong bahay nito sa bayan ng Lezo.

Hinimok naman ni Fernandez ang kanilang mga supporters na manatiling buo ang suporta sa lahat ng kandidato sa ilalim ng Tibyog Aklan.

Bread & Butter Biscocho de Boracay