
Tibiao, Antique- Pinangunahan ni Councilor Adolphus Pueda ang libreng transportasyon para sa mga residente ng Tibiao, Antique.
Ayon kay Pueda, ito ay bahagi ng kaniyang serbisyo para sa mga kababayan na nasalanta ng bagyong si Tino.
Base sa tala ng PAGASA, umabot sa Signal Number 3 ang naging kategorya ng bagyong si Tino sa lalawigan ng Antique kasama na ang bayan ng Tibiao nitong araw ng Martes, Novembef 4, 2025.
Kilala si Pueda sa Tibiao bilang isang aktibong miyembro ng konseho kaya naman marami sa kaniyang mga kababayan ang nagpapasalamat sa kaniyang walang pagod na tulong para sa mga kababayan.