Connect with us

Politics

Bam Aquino: Income Tax Exemption Cap Dapat Itaas Sa Gitna Ng Paghina Ng Piso At Paglobo Ng Inflation

Published

on


Bam Aquino: Income tax exemption cap dapat itaas sa gitna ng paghina ng piso at paglobo ng inflation

Sa patuloy na paghina ng halaga ng piso at pagtaas ng inflation rate, iginiit ni Senador Bam Aquino ang pangangailangang maisabatas ang kanyang panukalang itaas ang income tax exemption upang mas malaki ang maiuwing suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang mga pamilya.

Muling nanawagan si Aquino para sa pagpasa ng Senate Bill No. 267 kasunod ng pagsirit ng inflation rate sa 7.8 porsiyento nitong Oktubre at patuloy na paghina ng piso, na nagsara sa halagang P63.535 kontra dolyar noong Miyerkules.

Layunin ng panukala ni Aquino na itaas sa P480,000 ang taunang personal income tax exemption cap upang mabigyan ng higit na ginhawa ang mga manggagawa at pamilyang Pilipino.

Ayon sa senador, katumbas ito ng P40,000 na buwanang halagang kailangan ng isang pamilyang may apat o limang miyembro upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

โ€œRamdam ng mga pamilya na mas kaunti na ang naiuuwing pagkain sa kaparehong budget. Kailangang makasabay ang kanilang kinikita sa pagtaas ng presyo ng bilihin,โ€ wika ni Aquino, chairperson ng
Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.

โ€œDapat mas malaki ang matira sa kanilang suweldo para may sapat silang pambili ng pagkain, bigas at iba pang pangunahing pangangailangan,โ€ dugtong pa niya.

Kapag naisabatas, makatutulong ang pagtataas sa income tax exemption cap upang maiuwi ng mga manggagawang Pilipino ang mas malaking bahagi ng pinaghirapang kita at magamit sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya, tulad ng pagkain, edukasyon at pangangalagang pangkalusugan.

Ayon pa kay Aquino, makatutulong din ang pagtaas ng take-home pay ng mga manggagawa sa pagsuporta sa mga lokal na negosyo at pagpapasigla ng ekonomiya.

โ€œKapag mas malaki ang nauuwing kita ng mga Pilipino, mas may kakayahan silang bumili ng kanilang mga pangangailangan. Ang perang ginagastos nila sa palengke, tindahan, at iba pang negosyo ay tumutulong ding suportahan ang kabuhayan at trabaho sa ating mga komunidad. Kailangan natin ang ganitong dagdag na sigla sa ekonomiya ngayon,โ€ paliwanag pa niya.

Bukod sa pagtataas ng income tax exemption cap, isinusulong din ni Aquino ang ilang panukalang batas na naglalayong maibsan ang pasanin ng mga Pilipino dulot ng patuloy na pagmahal ng mga bilihin at serbisyo, produktong petrolyo at kuryente.

Layunin ng Senate Bill No. 2047 ni Aquino na ibaba mula 12 porsiyento sa 10 porsiyento ang value-added tax (VAT) sa mga produkto at serbisyo, kabilang ang mga produktong petrolyo, upang makatulong na mapababa ang presyo.

Inihain din niya ang Senate Bill No. 266 na naglalayong alisin ang VAT sa pagbebenta ng kuryente upang makatulong na mapababa ang singil sa kuryente ng mga konsyumer.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay