Dahil sa inaasahang pagbuhos ng numero ng mga biyahero ngayong papalapit na ang taon 2023, unti-unti na ring ibinabalik ng mga Airline Companies ang kanilang international flights papunta at palabas ng Kaliboย International Airport.
Ayon sa kumpirmasyon ni Engr. John William Fuerte, Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP-Aklan Manager na sa ngayon ay marami na ang mga airline companies na nagpaabot ng kanilang kagustuhan na ibalik ang kanilang flights. Isa na umano dito ang Tiger Air kung saan magsisimula na sa Disyembre 29 ang kanilang operasyon mula sa Taipei, Taiwan papuntang Kalibo International Airport.
Magkakaroon umano sila ng tatlong flights sa loob ng isang linggo kung saan mayroong tinatayang 140 hanggang 180 na mga pasahero. Maliban dito, inaasahan rin nila na sa 2023 ay ibalik na ng Philippine Airlines ang kanilang araw-araw na operasyon mula sa Incheon, South Korea.
Napag-alaman na ang KIA ay mayroong umaabot sa 130 na mga international arrivals bawat araw at 130 hanggang 160 naman sa domestic. Sa ngayon ay patuloy naman ang direct flight ng kompaniyang T-way at Air Seoul kung saan mayroon silang operasyon araw-araw sa nasabing paliparan.
(Ni: Mary Hope Zonio)