
KALIBO, Aklan- Isang mahigpit na yakap at emosyonal na pagpapasalamat ang ipinadama ng isang Lola na kilala sa pangalang si Nanay Leonila,63 matapos bigyan ng disenteng bahay ni Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro.
Naipaabot kay Mayor Sucro ang hinaing ni Nanay Leonila sa pamamagitan ng vlogger na si Angelo Cortez. Nadiskubre ni Cortez na si Nanay Leonila ay nakatira lamang sa isang sirang sirang dampa at nagtatrabaho lamang eto sa pagbebenta ng mga nahukay na sea shells sa Barangay Andagaw, Kalibo Aklan.

Kaagad na inutusan ni Mayor Sucro ang tangapan ng Municipal Engineering Office para magawan ng bahay si Nanay Leonila. Kasama nito ang dalawang pamangkin na sa kaniyang pangangalaga.
Kasama rin sa isinagawang blessing ng bagong disenteng bahay si Juliet Melgarejo, Barangay Captain ng Barangay Andagaw, Kalibo Aklan at si Mark Sy, Barangay Affairs Head ng Kalibo.
Ayon kay Sucro, bahagi eto ng kaniyang programa na Bagong Kalibo kung saan tutulong eto hangang makakaya.