Entertainment
Mga Opisyal na Entry sa SineMaya 2026

MANILA — Pormal nan 1inilabas ang mga opisyal na entry para sa 2026 SineMaya Community Film Festival, na nagtatampok ng mga pelikulang likha ng mga filmmaker mula sa iba’t ibang komunidad.
Sa temang “Loob, Laya, at Diwa,” layunin ng festival na bigyang-lakas ang mga malikhaing talento at mga kuwentong tumatalakay sa mahahalagang usapin ng buhay, kabilang ang malasakit sa kapwa, pagbibigay-halaga sa buhay at pagsusulong ng pagkatao at pagkakaisa.
Mula sa simpleng pangarap na maipakita ang kanilang mga obra sa malaking screen, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maisalin sa pelikula ang kanilang mga ideya, karanasan at pananaw.
Kabilang sa mga full-length films ang:
At Twenty-One — Mộc Productions
Sinag ng Kagiw — Sinag Productions
Before Closing — Morning Run Productions
Long (Lost) Trip — Section 8 Media
Ang Payag Ng Kahapon — Banyuhay Productions
Samantala, kabilang naman sa short films ang:
Agihan — Bikolanong Lagalag Productions
Dos Mil — Ka-Reals Productions
Handum — Gugma Productions
Mangkok — Simbag Productions
Paglipad ng Alitaptap — Tinig Maralita Productions
Dreams From The Rice Fields — OK Good Film Maker
Behind The Three-wheeled Cart — TYM Communication Film
Ang mga pelikula ay kumakatawan sa iba’t ibang kuwento at pananaw mula sa mga komunidad, habang nagsisilbing plataporma para sa mga filmmaker na maipakita ang kanilang talento at malikhaing tinig.
Taon-taon, isinusulong ng SineMaya Community Film Festival ang pagbibigay ng espasyo sa mga community-based filmmaker at sa mga kuwentong maaaring hindi karaniwang nabibigyan ng pagkakataong mapanood sa malaking screen.

Ngayong 2026, inaanyayahan ang publiko na suportahan ang mga filmmaker at kanilang mga obra bilang bahagi ng ikalimang taon ng festival.
Congratulations sa lahat ng filmmakers at production teams ng SineMaya 2026!
#BENTEProductions #SineMaya2026 #Year5


