

KALIBO, Aklan- Sa nakalipas na eleksyon sa Aklan, naging mainit ang tensyon sa gitna nang laban ng mag pinsang buo na sila incumbent Congressman Florencio Miraflores laban sa pinsang buo nito na si Congressman Teodorico Haresco Jr.
Kilala sa Aklan sila Miraflores at Haresco bilang pinsang buo. Sa mga nakalipas na panahon, ipinahayag ng dalawa na sila ay soulmate. Kaya marami din ang nanghinayang na magkatunggali sila Haresco at Miraflores noong 2025 election sa second distrito ng Aklan.
Kamakailan,ikinagulat ng mga Aklanon ang biglaang paglitaw sa publiko ni Haresco sa teritoryo ng Tibyog Kalibo. Inimbitahan diumano siya ni Kalibo Mayor Juris Sucro kasama si Uswag Ilongo Partylist Jojo Ang.
Kilala si Ang na kamag anak nila Haresco at Miraflores. Noong 2025 election, naging second party nominee si dating Ibajay Mayor Lulu Miraflores sa nasabing partylist.
Ayon kay Ang sa panayam ng Boracay Island News Network, wala pa siyang plano na pangunahan ang daan para muling magkaisa si Miraflores at Haresco. Isinaad ni Ang na hindi pa handa ang dalawang partido na magkabati muli.

Malalim ang naging hindi pagkakaunawaan nila Miraflores at Haresco. Pangarap ni Haresco na pag isahin ang oposisyon, si Miraflores naman ay nanindigang mas bigyan ng pabor ang mga solid na kaalyado nito sa ilalim ng Tibyog Akean.
Sa kabila nito, muling ikinagulat ng Aklanon ang pagkaroon ng ugnayan sa kauna unang pagkakataon sila Haresco at ang matagal nitong tinuturing na political enemy na si Retired Lt. Matt Wacan. Si Wacan na tumatakbo din sanang kongresista noong 2025 election ay kusang nag withdraw at inihayag ang suporta kay Miraflores.
Sa ganitong mga pangyayari, umaasa ang BINN na may puwang pa para muling magkabati sila Haresco at Miraflores. Pareho silang may pangarap sa mga taga Aklan at maituturing n g BINN na sila ang perfect pair para sa kaunlaran ng Aklan. Si Miraflores ay kilala sa pagiging matalino nito sa hanay ng pulitika samantalang si Haresco naman ay palaging nasa puso ang mga Aklanon.
Kapag nagsama ang dalawa, siguradong panalo ang mga taga Aklan.