Connect with us

Lifestyle

“Museo it Akean” nakatakdang pagandahin ng LGU-Kalibo at AGMRMFI

Published

on

Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan- Masayang ibinalita ni Sangguniang Bayan Member Phillip Yerro Kimpo, Chairman ng Committee on Education at Vice Chair ng Committee on Tourism ang muling paglagda ng Memorandum of Agreement o MOA sa gitna ng LGU-Kalibo at Archbishop Gabriel M. Reyes Memorial Foundation Inc. kung saan naglalayong pagandahin ang nag-iisang makasaysayan na gusali sa Aklan ang “Museo it Akean” o ang “Escuelahan it Hari”. Naganap ang renewal ng MOA bago pa man ag pagtatapoa ng National Heritage Month.

Dahil sa mas pinalakas na partnership ay nakatakdang ayusin ang mismong gusali ng Museum at gagawin itong air-conditioned. Maglalagay rin ng mga magagandang collection at displays at ang pagkuha ng isang Museum Curator.

Nasa kasunduan rin na ang LGU- Kalibo at AGMRMFI ay siya ring maghahati sa revenue ng nasabing Museum.

Kung maalala, taong 1970’s noong si Jaime Cardinal Sin ay humingi ng tulong upang maipatayo ang Bishop House sa Diocese of Kalibo. Doon ay may grupo ng mga Aklanon mula sa Metro Manila ang tumugon sa kaniyang panawagan hindi lamang para makatulong sa pagpapatayo ng Bishop House kungdi maging sa mga nangangailangang mga Aklanon.

Taong 1977 nang pormal nang itinatag ang AGMRF. Sa ngayon ang namumuno dito bilang Chairman-President ay si Della O. Mariano.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *