
Tibiao, Antique- Dahil sa sipag at katapatan sa serbisyo, pansamantalang itinalaga ni Tibiao, Antique Mayor Klemens Bandoja si Councilor Adolphus Pueda bilang pansamantalang alkalde ng bayan ng nasabing bayan.
Nilagdaan ni Mayorย Bandoja ang isang executive order na may petsang November 18, 2025 dahil sa travel nito sa Cebu City. Naimbitahan si ang alkalde para mag participate sa pambansang paglunsad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan -Comprehensive and Integrated Delivery of Services (KALAHI-CIDSS) kasama ang ilang local government chief executives sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Bandoja, katungkulan niyang mamili ng upo bilang officer in charge para pansamantalang mamahala sa bayan base saย Section 46 ng Local Government Code. Inaahsang tatagal ang tungkulin ni SB Pueda magmula November 19 hangang November 20 o hangang makabalik ang alkalde sa nasabing bayan.
Nagpapasalamat naman si SB Pueda sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng alkalde ng nasabing bayan. Nangako naman si SB Pueda na gagawin ang makakaya para mapagsilbihan ngย tapat ang kaniyang mga kababayan.
Si SB Pueda ay naninilbihan bilang first termer na councilor ng nasabing bayan.