Connect with us

Election 2025

Leni Robredo hindi mandaraya- Macalintal

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ibinasura ng election lawyer na si Romulo Macalintal ang paratang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya’y dinaya noong halalan sa pagka-bise presidente noong 2016.

Ayon kay Macalintal, na tumayong abogado ni Vice President Leni Robredo sa protestant inihain ni Marcos, walang katotohanan at walang batayan ang akusasyon ni Marcos.

“Iyong sinasabi ni Mr. Marcos na nadaya siya noong 2016 at ang pagkakapanalo ng Vice President ay dahil sa daya, iyan po’y walang katotohanan,” wika ni Macalintal. “Iyang mga statement na iyan ni Mr. Marcos, iyan ang sinasabi nating statement ng mga kandidatong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo,” dugtong pa niya.

Iginiit ni Macalintal na natalo si Marcos sa bilangan ng balota kasunod ng halalan at sa ginawang recount ng bilang bahagi ng kanyang protesta sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sinabi pa ni Macalintal na mismong si Marcos ang pumili sa Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental bilang pilot provinces kung saan nais niyang ma-recount ang mga boto.

“Nang binilang ang mga balota mula sa mga presinto na kanyang iprinotesta, walang nakitang ebidensya ng pandaraya. Nagtugma ang count ng mga balota doon sa election returns ng automated election,” ani Macalintal. Ibinasura ng Korte Suprema, na tumatayo bilang PET, ang protesta ni Marcos laban kay Robredo noong nakaraang taon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay