Connect with us

Environment

Material Recovery Facility sa Boracay, hiniling ng PCCI

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Boracay Island——– Hinihiling ngayon ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI-Boracay sa Local Government Unit o LGU sa bayan ng Malay na magkaroon ng Material Recovery Facility sa kilalang Isla ng Boracay.

Ayon kay Elena Tosco Brugger, Advisory Council Chairman ng PCCI-Boracay na dahil sa kakulangan ng mga humahakot na garbage truck ay naapektuhan ang pagkuha ng mga nakatambak na basura sa Boracay. Aniya, nabigyan naman ito ng solusyon ng LGU at ng Solid Waste Management matapos na kanyang maipost sa social media ngunit dahil sa kakulangan ng garbage truck ay mahina pa rin ang kanilang pagpaabot ng tamang serbisyo.

Dagdag pa nito na mahalagang matutukan ang waste segregation mula sa pinanggalingan nito o ang tinatawag na segregation at source para maging epektibo ang pagkuha at pagtapon ng mga basura.

Gusto rin nitong mapatupad ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa Boracay at buong mainland Malay dahil habang dumadami ang mga turista ay dumadami rin ang basura.

Umaasa rin sila na magtulungan ang LGU-Malay, stakeholders, business sector at Mother Earth Foundation para mabigyang solusyon ang problema sa Isla papunta sa pangarap na maging model ng sustainable tourism.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay