Commentary
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ: ๐๐ผ๐ป๐ป๐ถ๐ฒ ๐. ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐, ๐๐ฏ๐ฎ๐๐ท๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐ป๐ฎ ๐๐๐บ ๐๐ฎ๐๐ฑ๐ฒ ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ ๐ฉ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐

Ni: Shaine Sorrosa
Mula sa probinsya ng Aklan, isang Ibayjanong estudyante ang naghatid ng inspirasyon sa maraming kabataan sa kanyang tagumpay bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines Visayas. Si Donnie C. Delos Reyes, nagtapos ng Bachelor of Arts in Communication and Media Studies, ay isa sa mga patunay na kayang abutin ang pangarap sa kabila ng mga pagsubok.
Mula pagkabata, klaro na kay Donnie ang pangarap niyang makapasok sa UPโwalang ibang pagpipilian kundi ang pinakamahusay na pamantasan sa bansa. Bukod dito, hangad niyang maging cum laude upang madama ang pagmamalaki ng kanyang pamilya, lalo na sa kanyang kuya na naging inspirasyon niya.
Bagamaโt dinala niya ang bigat ng paghahanap-buhay habang nag-aaral, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap. Sa kabila ng mababang marka sa ilang pagsusulit at mga rejected na proposal, nanatili siyang matatag at mas lalo pang nagpatibay ng loob.
Bukod sa mga personal na tagumpay, pinasasalamatan ni Donnie ang kanyang pamilya, mga guro, mga kaibigan, at mga Pilipinong nagbabayad ng buwis na siyang nagbigay daan sa kanyang edukasyon.
๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐
, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐. โ๐จ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ฐ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,โ ๐๐๐ ๐๐๐๐.
Ang pagtatapos ni Donnie ay hindi lamang pagtatapos ng kanyang pag-aaral, kundi simula ng mas malawak na laban para sa kanyang adbokasiya bilang isang tunay na Ibayjanon at Pilipino na handang maglingkod para sa bayan.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!!
๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐๐: https://www.facebook.com/share/p/16dV4UN5XN/
Continue Reading


