Connect with us

Business

MySSS Pension Booster: Dagdag-ipon para sa mas matatag na pagreretiro

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: John Oblanca

Sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at gastusin sa kalusugan, hindi na sapat ang umasa lamang sa iisang pinagkukunan ng kita pagdating ng pagreretiro. Bagamaโ€™t mahalaga ang regular na SSS pension, malinaw na kailangan pa rin ng dagdag na paraan ng pag-iipon na mas angkop sa kakayahan at totoong sitwasyon ng bawat miyembro. Bilang tugon dito, inilunsad ng Social Security System (SSS) ang MySSS Pension Booster, isang voluntary provident fund program na nagbibigay ng malinaw at praktikal na opsyon upang palakasin ang paghahanda sa pagreretiro.

Ang MySSS Pension Booster, na kilala bilang dating Workersโ€™ Investment and Savings Program (WISP) Plus, ay bukas sa lahat ng SSS members anuman ang Monthly Salary Credit (MSC).

Maaaring mag-enroll ang mga miyembrong may kahit isang posted contribution, at wala pang filed final benefit claim. Bagamaโ€™t bukas ito sa lahat, kapaki-pakinabang ang programang ito sa mid-to-high-income earners gaya ng self-employed at maritime professionals, Overseas Filipino Workers (OFWs), at corporate executives na may kakayahang magtabi ng sobrang kita para sa mas mataas na ipon sa hinaharap.

Isa sa pinakamalaking benepisyo ng pagsali sa MySSS Pension Booster ay ang kakayahang palaguin ang ipon sa paraang abot-kaya at flexible. Maaaring magsimula ang miyembro sa halagang limang daang piso kada hulog, at walang itinakdang maximum na kontribusyon depende sa patakaran ng SSS partner collecting agents. Walang fixed monthly requirement at maaaring maghulog ayon sa kakayahang mag-ipon ng miyembro, bastaโ€™t ang hulog para sa

MySSS Pension Booster ay isinasabay sa regular na SSS contribution. Dahil dito, nagiging praktikal ang programa kahit para sa mga miyembrong pabago-bago ang kita.

Bukod sa flexibility, nag-aalok din ang MySSS Pension Booster ng kaakit-akit na balik sa puhunan. Ang pondo ay ini-invest at kumikita ng interes na idinadagdag sa kabuuang ipon ng miyembro.

Ang kontribusyon at investment earnings ay tax-free, kaya buo itong matatanggap pagdating ng panahon. Sa oras ng pagreretiro o final benefit claim, maaaring piliin ng miyembro kung tatanggapin ang naipon bilang lump sum, bilang dagdag sa buwanang pension, o kombinasyon ng dalawa, bukod pa sa matatanggap na benepisyo mula sa regular SSS program.

May malinaw ding patakaran ukol sa withdrawal na nakabatay sa haba ng pagiging miyembro sa ilalim ng MySSS Pension Booster. Sa unang taon ng membership, pinahihintulutan lamang ang withdrawal sa mga sitwasyong may matinding pangangailangan tulad ng kritikal na karamdaman, inboluntaryong pagkakatanggal sa trabaho o repatriation ng OFW mula sa host country, at iba pang katulad na sitwasyong itinatakda ng SSS. Para sa mga miyembrong nasa ikalawa hanggang ikaapat na taon ng programa, maaaring mag-withdraw nang bahagya o buo, ngunit may kaukulang bawas sa investment income depende sa tagal ng membership. Mula sa ikalimang taon pataas, maaaring mag-withdraw ng bahagya o buo ng wala nang bawas sa kita.

Ang pagsali sa MySSS Pension Booster ay simple at direktang ginagawa sa pamamagitan ng My.SSS account. Kailangan lamang mag-log in, piliin ang โ€œPension Boosterโ€ sa ilalim ng Services tab, at basahin at tanggapin ang terms and conditions ng programa. Para sa self- employed, voluntary, at OFW members, pareho rin ang proseso ng enrollment. Kapag naka- enroll na, ang kontribusyon ay madaling ma-monitor dahil real time ang posting ng hulog sa

My.SSS account, at inaasahang magiging visible rin ang investment income sa nalalapit na
panahon.

Sa kabuuan, ang MySSS Pension Booster ay isang malinaw at makabuluhang opsyon para sa mga miyembrong nais maging mas handa sa pagreretiro. Hindi ito sapilitan at hindi rin ito komplikado, ngunit nagbibigay ito ng konkretong pagkakataon upang unti-unting palakasin ang\ ipon. Kung may kakayahang magtabi kahit paminsan-minsan, malinaw na may kakayahan ring magsimula ngayon para sa mas panatag at mas matatag na pagreretiro.

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i- follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (dating Twitter), YouTube, at Viber โ€“ hanapin lang ang MYSSSPH. Para sa inyong katanungan, maaaring tumawag sa SSS Hotline 1455 para sa mga paglilinaw, o anumang paksa tungkol sa SSS. Bukas din ang usssaptayo@sss.gov.ph para sa inyong concerns at katanungan. ###

 

Bread & Butter Biscocho de Boracay