Lifestyle
Dating Kalibo Diocese Administrator Bishop Bendico Sumailalim Sa Heart Procedure, Humilong Ba Ipagdasal Siya

Roxas City- Hiniling ng Arkidiyosesis ng Capiz sa mga Katoliko na magkaisa sa panalangin para sa matagumpay na paggaling ni Archbishop Victor B. Bendico, D.D., na sumailalim sa isang heart procedure at kasalukuyang nasa Maynila.
Sa opisyal na pahayag ng Arkidiyosesis ng Capiz nitong Nobyembre 2, 2026, hinikayat ang mga pari, relihiyosong komunidad at mga layko na ipagdasal ang kalusugan at mabilis na paggaling ng arsobispo.
Hiniling din sa mga Katoliko na isama ang kanyang intensyon sa kanilang mga misa, pagdarasal ng rosaryo, Holy Hour at pagbisita sa Blessed Sacrament bilang pagpapakita ng pagmamahal at suporta sa kanya sa panahong ito.
Si Archbishop Bendico, na kilala rin bilang โSinging Bishopโ dahil sa kanyang talento sa pagkanta, ay dating administrador ng Diocese of Kalibo bago naging Arsobispo ng Capiz.
Nagpasalamat ang Arkidiyosesis sa lahat ng nagpapakita ng suporta at patuloy na nagdarasal para kay Archbishop Bendico, kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang mga panalangin para sa kanyang matagumpay na paggaling.


