Connect with us

Latest News

AVSEGROUP nagsagawa ng simulation exercise bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga pasahero

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

 

Ni: Mary Hope Zonio

Kalibo Aklan‐-Bilang paghahanda sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero nagsagawa ng simulation exercise ang Kalibo International Airport Police Station kasama ang mga personnel at fire fighter ng Civil Avaition Authority of the Philippines o CAAP-Aklan.

Ayon kay PMaj. Rainer Dollente, na ang nasabing aktibidad ay upang malaman kung gaano kahanda ang tanggapan at mga pulis sa paliparan sakaling bumuhos ang numero ng mga pasahero na dumadating. Dagdag pa nito na ang kanilang simulation exercise ay may tamang koordinasyon sa paliparan.

Ipinasiguro rin nito sa publiko na hindi makakaapekto ang kanilang ginawa sa araw-araw na operasyon ng paliparan.

Kung maalala ay tumaas na ang numero ng mga pasahero sa nasabing paliparan matapos na dagdagan ng mga airline companies ang kanilang flights kasunod ng pagluwag ng mga protocols may kinalaman sa pagbiyahe.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay