
NEW WASHINGTON, Aklan- Naitawid ng dalawang mangingisda ang gutom at lamig sa laot matapos mailigtas ang mga eto ng mga kapuwa mangingisda sa baybayin ng Barangay Balaring Ivisan, Capiz.
Kinilala ng New Washington MDRRMO ang dalawa na magkaka mag anak na sila Michael Rostro at Ryan Jay Rostro kapuwa residente ng Barangay Dumaguit, New Washington Aklan.
Ayon sa report ng New Washington MDRRMO, nangingisda sila sa dagat ng masiraan sila ng makina nitong Lingo ng hapon. Nakahingi naman ng tulong ang mga biktima sa kaanak bago mawalan ng signal at battery ang dalang mga cellular phones ng mga eto.
Kaagad na isinagawa ang search and rescue operations New Washington at nakipag ugnayan sa Capiz PDRRMO pero bigo silang mahanap eto. Nailigtas ang dalawa Lunes na ng umaga matapos mapadaan ang mga mangingisda ng lalawigan ng Capiz at makahingi eto ng rescue sa mga naghahanap sa kanila.
Kaagad namang sinundo ng New Washington MDRRMO ang mga mangingisda at ibinalik na sa mga pamilya nito.
Litrato ng: New Washington MDRRMO