Connect with us
News Trends PH

Latest News

Kalibonhon, ikinatuwa ang paghost sa 13th National Youth Parliament Regional Assembly

Published

on

Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan- Ikinatuwa ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang pagpili sa lalawigan ng Aklan bilang host sa katatapos na 13th National Youth Parliament Regionl Assembly. Isinagawa eto nitong May 14-16, 2023.

Ang nasabing event kasi ay naging matagumpay sa pamamagitan ng isang aprubadong resolusyon ng Kalibo council na may tutulong: ” A resolution respectfully requesting the national youth commission parliament in Kalibo, Aklan” kung saan ang main authors ay sina Sangguniang Bayan Member Philip Yerro Kimpo at Romylene Quimpo Flores, Sangguniang Kabataan Federation President ng Kalibo.

Ang National Youth Parliament ay isinagawa sa lalawigan sa loob ng tatlong araw kung saan dinaluhan ito ng mga youth leaders mula sa Negros Occidental, Sipalay City, Iloilo City, Guimaras, Roxas City, Antique at Aklan.

Ayon kay Kimpo, magiging bisita sa nasabing programa sila NYC Commissioner-at-large at Chairperson ng Committee on Active Citizenship , Asex Laurence Anthony Diestro

“Ipapaliwanag nila sa sa mga kabataan ang kahalagahan ng paggamit ng boses upang maipaabot ang ilang mga problema at isyu na kinakaharap ng Rehiyon,” ayon pa kay Kimpo.

Suportado rin ang nasabing event ng Aklan Provincial Government, National Youth Commission, Pulong ng mga Kabataan ng Aklan at NYP-Aklan alumni.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *