Aklan- Nagsagawa ng seminar ang mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit, Aklan PPO na pinangunahan ni PEMS Michael D Pontoy at PSSg Stevic R Almanon tungkol sa Drug Education, Prevention and Control Programs sa Garcia College of Technology Kalibo Aklan nito lamang ika-23 ng Marso 2024.
Ang seminar na ito ay naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman at kamalayan sa mga estudyante tungkol sa mga epekto ng illegal droga sa indibidwal, pamilya, at lipunan. Layunin nito na maitaguyod ang kahalagahan ng edukasyon at pagpapahalaga sa pagpigil at kontrol ng illegal na droga sa buong lalawigan.
Sa pagtatapos ng seminar, ipinaabot ng mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga estudyante na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan. Inaasahan ng mga kapulisan na ang mga bagong kaalaman ng mga kalahok ay maging daan upang palakasin ang laban kontra illegal na droga sa kanilang mga sariling komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad ng PCADU Aklan at aktibong pakikilahok ng mga sektor ng lipunan ay nagpapakita ng determinasyon at dedikasyon ng bawat isa na magtulungan at magkaisa tungo sa isang mas ligtas at maunlad na kinabukasan para sa lahat.