
(photo CTTO)
Tumalon na rin sa kampo ni Vice President Leni Robredo ang isang national volunteer group na unang sumuporta sa kandidatura ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang pangulo.
Inanunsiyo ng IkawMuna Pilipinas o IM Pilipinas ang kanilang desisyon noong Martes sa isang press conference.
Bago rito, una nang lumipat kay Robredo ang dalawang chapter ng grupo. Ang nasabing volunteer group ay may 200,000 miyembro sa buong bansa.
Ayon sa grupo, nagpasya silang suportahan si Robredo dahil hallos lahat ng sentimyento at direksiyon ay patungo sa Bise Presidente. Bitbit ni Robredo ang platapormang “Oplan Angat Agad” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon.