
New York City- Marami ang hind makapaniwala na ang isang bagong restaurant chain sa New York City, USA ang kasalukuyang naghahanap ng mga bagong kahera sa bansang Pilipinas. Ang trabaho, tumangap ng mga orders at bayad sa pamamagitan ng zoom o work from home.
Base sa ulat ng MES Times, ang nasabimg kumpaniya ay kinilalang Sansan Chicken, Sansan Ramen, and Yaso Kitchen. May ilan diumano etong branches sa estado ng Manhattan, Queens, at Jersey City.
Magtatrabaho diumano ang kahera gamit ang zoom kung saan sasagutin nito ang mga katanungan, kumuha ng orders at bayad online. Papayagan din etong tumangap ng tip base sa usapan ng kostumer at ng kahera.
Naisipan daw ng kumpaniya na ipakilala ang ganitong konsepto para makatipid sa suweldo. Ang kasalukuyang daily wage sa USA para sa mga kahera at waitress ay nasa $3.75 kada oras lamang.Samantala, ang rate sa New York City ay nasa $16 kada oras.
Bagaman online , required pa din sa mga kahera ang mag smile sa costumer at dapat ipakita nitong happy eto.
Ayon sa mga ekserto, dahil daw sa dumarami ang ganitong trend, tinatawag na nila etong zoom economy.
Hindi naman sinabi ng MES Times kung saan puwedeng mag apply sa nasabing position.