
Ni: Shaines Sorrosa
Malay, Aklan- Isang bagong karangalan ang inani ng lalawigan ng Aklan matapos italaga si Eya Grestar Franco, isang Registered Social Worker ng Malay Municipal Hospital, bilang National Board of Director ng Association of Medical Social Workers of the Philippines, Inc. (AMSWPI).
Sa isang opisyal na post sa kanyang Facebook page, buong puso ang naging pagbati ni Governor Jose Enrique M. Miraflores sa tagumpay ni Franco. Ayon sa gobernador, ang naturang appointment ay hindi lamang personal na tagumpay ni Franco, kundi isang karangalan para sa buong lalawigan ng Aklan.
โ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐! ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐โฆ,โ ๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
Bilang bahagi ng national board ng AMSWPI, inaasahan si Franco na makikibahagi sa paghubog ng mga polisiya at programa na may kinalaman sa medical social work sa buong bansa. Ito ay patunay ng kanyang kahusayan, dedikasyon, at integridad sa propesyon.
Ang Association of Medical Social Workers of the Philippines, Inc. ay isang pambansang organisasyon ng mga social worker na nakatalaga sa mga institusyong medikal, layuning itaguyod ang kapakanan ng mga pasyente at palakasin ang ugnayan ng propesyon sa larangan ng kalusugan at serbisyong panlipunan.