
Ni: Mary Hope Zonio
Kalibo, Aklan- Ipinasiguro ng mga atletang Aklanon ang kanilang kahandaan sa nalalapit na Western Visayas Regional Athletic Association o WVRAA Meet 2023 kung saan ang lalawigan ng Aklan ang magiging host sa Abril 26 hanggang 30.
Ayon sa Head Coach at Trainer ng athletic team na si Jovie Ote na nagpapatuloy ang kanilang in-house training upang makapadala ng mga competitive na atleta sa taunang sporting events.
Dagdag pa nito na ang kakatapos lamang na Provincial Meet ang nagbigay daan sa kanila upang makapili ng mga atletang isasabak ng Aklan sa WVRAA.
Inaasahang mayroong 15 na mga atelatang lalaki at 15 na babaye sa Secondary ang maglalaban samantalang sa Elementary ay 12 ang official line-up sa parehong lalaki at babae.Napag-alaman na ang mga gold medalist sa WVRAAang siyang maglalaban sa Palarong Pambansa 2023.