Connect with us

Sinemo Run!

Ipangalan mo ang iyong ex sa isang Ipis!

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

 

Chicago, USA- Sa halagang $15 na donasyon maaari munang ipangalan ang iyong ex boyfriend o girlfriend sa isang Ipis.

Inanunsyo eto kamakailan ng Hamill Family Play Zoo na matatagpuan sa Brookfield Zoo sa Chvago, USA.

Ayon sa management, sa kanilang services na ‘Name a Cockroach’ ay kasama na ang certificate na opisyal mong ipinangalan ang ex mo sa kanilang alagang ipis sa nasabing zoo.

Ilalagay din nila ang napili mong pangalan sa isang board. Ilalatag naman nila ang mga pangalan na eto sa publiko bilang bahagi ng kanilang Valentines Day celebration sa February 14, 2025.

Sinabi naman ng management na nagtapos na ang kanilang pagtangap ng entry sa ilalabas na public board nang mga naipangalan na ex sa ipis noong February 5, 2025. Hindi naman malinaw kung patuloy pa rin ang pangangalap nila ng donasyon para ipangalan ang ipis sa isang ex o dating girlfriend o boyfriend.

(photo by:Mrbuggs.com)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay