Connect with us

Commentary

Real Talk sa Issue ng Our Lady of the Abandoned

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

By: Ahl Indiano

Kung totoo man na ang ipapalit na imahen ay replica ng Imahen ng Nuestra Seรฑora de los Desamparados mula sa Valencia Spain hear me out.
Ang pagpapalit ng isang iconic na imahe ng canonically crowned na Birheng Maria at paglalagay ng ibang canonically crowned image mula sa ibang simbahan ay may mabigat na epekto sa liturhiya, batas ng simbahan, debosyon, at pati na rin sa kultura.
Ayon sa Instruction โ€œEcclesiae de arte sacraโ€ (1952) at sa Directory on Popular Piety and the Liturgy (2002) mula sa Vatican, ang mga imaheng kinoronahan ay hindi lamang art o palamuti,sila ay kinikilalang may makasaysayang debosyon at liturgical significance na hindi pwedeng basta-bastang palitan. Ang canonical coronation ay isang opisyal na pagkilala mula sa Santo Papa na ibinibigay sa isang PARTICULAR IMAGE dahil sa matagal nang debosyon at mga natanggap na biyaya sa pamamagitan nito.
Ibig sabihin, hindi ito basta-basta pwedeng palitan dahil ang karangalan ay Nakatalaga sa MISMONG IMAHEN at sa lugar kung saan ito pinarangalan. Kapag pinalitan ito ng ibang imahe even kung canonically crowned din nawawala ang historical at spiritual na connection ng komunidad sa orihinal na imahe.
Maaaring magdulot ito ng kalituhan, pagkakawatak-watak, at pagkadismaya sa mga deboto. May posibilidad rin itong labagin ang mga batas ng simbahan o heritage policies, ayon sa Canon 1230โ€“1234, ang mga shrine o dambanang may canonical recognition ay may tungkulin na panatilihin ang integridad ng imaheng pinaparangalan. Kayaโ€™t ang pagpapalit ng canonically crowned image ay nangangailangan ng malinaw at sapat na dahilan, at dapat may explicit na pahintulot mula sa lokal na obispo at sa Vatican. Bukod pa rito, maaapektuhan ang mga panalangin, at indulgences na nakatalaga para sa orihinal na imahe.
Kaya maliban na lang kung may napakabigat na dahilan, at may malinaw na pahintulot mula sa simbahan, hindi ito marapat gawin. Ito ay isang bagay na may malalim na epekto sa pananampalataya at pagkakakilanlan ng isang parokya o bayan.
Sa madaling salita, hindi ito simpleng desisyong pastoral o aesthetic ito ay may legal, spiritual, at cultural effects. Kaya maliban na lang kung may napakabigat na dahilan at may formal Vatican approval, ang pagpapalit ng canonically crowned image ay hindi marapat at hindi katanggap-tanggap sa mata ng Simbahan at mga Deboto.
This is my personal opinions and observations only.
Pakinggan ang daing ng banyan,kanila yan,sila ang nagmamahal at nag dedebosyon diyan.
The Church recognizes the devotion where it grew, not just where it began.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay