Connect with us

Politics

Tito Ted Nagbabala Laban sa Posibleng Pagdami ng Langaw Ngayong Panahon ng Habagat

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Banga, Aklan- Nagbabala ngayon si dating Aklan Congressman Teodorico Haresco sa mga residente ng Banga sa Aklan sa posibleng muling pagdami ng langaw sa nasabing bayan.

Ayon kay Haresco na kasalukuyang kilala sa tawag na Tito Ted, hindi kaila sa mga residente ng Banga ang ilang taon nang problema sa nasabing bayan ang pagkalat ng napakaraming langaw.

Ayon sa mga eksperto, kadalasang dumarami ang langaw sa panahon ng habagat dahil nababasa ang mga kapaligiran dahilan para maagang mabulok ang mga basura. Eto ay nagiging perpektong lugar para sila mangitlog.

Ayon sa mga residente, kadalasang nanggaling ang mga langaw sa ilang poultry farm sa nasabing bayan.

Maging si USWAG Ilongo Partylist Congressman Jojo Ang ay tinawag kamakailan ang bayan ng Banga, Aklan bilang langaw capital ng Aklan.

Ayon naman sa Department of Health, angย madamingย langaw sa paligid ay posibleng magdulot ng karamdaman sa mga residente katulad nangย  pagtatae at pananakit ng tiyan, salmonella, lagnat, kolera, infection at iba pa.

Dahil dito, nanawagan si Haresco sa mga residente na laging mag promote ng healthy lifestyle para maiwasan ang infestation sa kanilang lugar.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay