Connect with us

Lifestyle

Isang Daan Para Maging Tunay na Masaya

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Sa tatlong araw ng programa, malalaman natin kung paano tayo puwedeng maging tunay na masaya

KALIBO, Aklan–Sa panahong ito na marami ang hindi masaya, iniimbitahan ng Mga Saksi ni Jehova ang mga tao sa taunan at pambuong-daigdig na serye ng kombensyon na may temang “Walang-Hanggang Kaligayahan.”

Ang Mga Saksi ang isa sa pinakamalalaking organizer ng non-profit na mga kombensiyon sa
mundo. Sa taong ito, babalik ulit sila sa ABL Sports Complex, Kalibo, Aklan para sa libre at
tatlong-araw na programa kung saan tatalakayin kung paano makakatulong sa atin ang
pananampalataya at pagsunod sa mga praktikal na prinsipyo sa Bibliya para maging masaya
tayo magpakailanman.

“Sino ba ang ayaw maging masaya?” ang sabi ni Mr. James Morales, national spokesman
para sa Mga Saksi ni Jehova. “Tinatalakay ng tema ng kombensyon sa taong ito kung paano
tayo magiging masaya at manatiling masaya. Malalaman ng lahat ng dadalo kung ano ang
tunay na kaligayahan na nagmumula sa pagkakaroon ng matibay na pag-asa para sa
hinaharap.

Ang event na ito, na tamang-tama sa panahahon natin, ay dadaluhan ng mahigit 500,000
mula sa iba’t ibang lokasyon sa bansa sa loob ng 15 weekend simula Hunyo 5-7, 2026.
“Kilala ang mga Filipino sa pagiging matatag. Pero sa hirap ng buhay ngayon, hindi na
madaling maging laging matatag,” ayon kay Mr. Morales, “kaya dahil naka-focus ang
kombensiyong ito sa pagiging masaya, talagang makakatulong ito sa atin–ipinapaalala nito
sa atin kung paano natin mae-enjoy ang buhay at patuloy na manampalataya sa Diyos, kahit
sa mahihirap na panahon.”

Karagdagan pa, ihaharap din ang programang ito sa 19 na internasyonal na kombensiyon sa
buong taon. Gaganapin ang malaking event na iyon sa mga bansa gaya ng Protugal, South
Africa at Pilipinas, at libong-libong delegado mula sa iba’t ibang lugar sa mundo ang dadalo.
Bukod sa mga Bible-based na video at interview, magkakaroon din ng mga pahayag sa
“Walang Hanggang Kaligayahan” na kombensiyon na may mga paksang gaya ng:
● Nag-uumapaw at Walang-Hanggang Kaligayahan – Posible Ba Ito?
● Bakit Kayo Nag-aalala?
● Natagpuan Mo Na Ba ang Kayamanan?

Ang pinakainaabangang Episode 4,5 at 6 ng “Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus” ay ilalabas
sa bawat araw ng kombensyon. Makikita sa video series na ito, na may 18 episode, ang
naging buhay at ministeryo ni Jesu-Kristo batay sa mga ulat ng Ebanghelyo. Inilabas ang

Episode 1 noong kombensyon ng 2024 at ang Episode 2 at 3 noong 2025. Mat bautismo rin
sa programa ng Sabado.

 

Isang video presentation tungkol sa buhay ni Jesu-kristo ang ipapakita sa serye ng kombensiyong ito.
Walang bayad ang pagdalo rito.

Noong nakaraang taon, nag host ang Mga Saksi ni Jehova ng mahigit 6,000 kombensyon na
may temang “Dalisay na Pagsamba” sa mahigit 500 wika. Kasama rito ang 19 na iternasyonal
na kombensiyon na ginanap sa 13 bansa. Mahigit 12 milyon ang dumalo. Para malaman ang
iba pa tungkol sa “Walang Hanggang Kaligayahan” na kombensyon at para makahanap ng
lokasyong malapit sa iyo, magpunta sa jw.org > Tungkol sa amin > Kombensiyon. Walang
koleksyon na hinihingi rito.

Calendar or event listing submission
Ano: “Walang-Hanggang Kaligayahan” 2026 serye ng kombensiyon ng Mga Saksi ni Jehova.
Kailan: July 10-12, 2026 and July 17-19, 2026.
Saan: ABL Sports Complex, Capitol Site, Estancia, Kalibo, Aklan
Sino: Iniimbatahang dumalo ang lahat sa komunidad.
Mga Detalye: Walang bayad ang pagdalo. Biyernes mula 9:20 a.m. hanggang 3:30 p.m.;
Sabado mula 9:20 a.m. hanggang 4:30 p.m.; Linggo mula 9:20 a.m. hanggang 3:45 p.m. May
1 oras at 20 minutong lunch break bawat araw. Magkakaroon ng mga pahayag na batay sa
Bibliya, mga interview, at video presentation.

Kasama ang mga paksang ito: Nag-uumapaw at Walang-Hanggang Kaligayahan – Posible Ba
Ito?; Bakit Kayo Nag-aalala?; at Natagpuan Mo Na Ba ang Kayamanan?
Para sa iba pang impormasyon, magpunta lamang sa jw.org > Tungkol sa Amin >
Kombensiyon 2026.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay