Latest News
๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ซ๐๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐

Boracayโ Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang Top 3 Municipal-Level at Top 9 Provincial-Level Most Wanted Person matapos matunton sa Sitio Ambulong, Barangay Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan, dakong alas-6:18 ng gabi noong Setyembre 7, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas na โJerry,โ 33 taong gulang, binata, freelance tour guide, at residente ng Barangay Manocmanoc, Malay, Aklan.
Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan, noong Setyembre 2, 2026.
Nahaharap ang akusado sa tatlong bilang ng Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado sa mga kasong ito.
Nahaharap din siya sa dalawang bilang ng Statutory Rape, kung saan itinakda ng korte ang piyansang PhP36,000.00 sa bawat kaso.
Nanguna sa operasyon ang Malay Municipal Police Station, katuwang ang Aklan Police Provincial Office Tracker Team, Provincial Intelligence Unit ng Aklan PPO, at Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 6.
Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Malay MPS para sa kaukulang booking procedures at kasunod na pagharap sa korte kung saan nakabinbin ang mga kaso.
โSa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, koordinasyon, at mabilis na police action, patuloy nating pinatutunayan na walang ligtas na taguan para sa mga wanted person. Ang batas ay mananaig, at ang hustisya ay ating ipaglalaban,” pahayag ni Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng PRO6.
Hinikayat din ng PRO6 ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa 911 ang anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted person sa kanilang komunidad.
Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang intelligence-driven manhunt operations at koordinasyon ng mga police units bilang bahagi ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng Philippine National Police na โBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN.”
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐


