Connect with us

Latest News

๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ‘ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ— ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐–๐š๐ง๐ญ๐ž๐ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ซ๐š๐œ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Œ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐‘๐š๐ฉ๐ž

Published

on


Boracayโ€” Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang Top 3 Municipal-Level at Top 9 Provincial-Level Most Wanted Person matapos matunton sa Sitio Ambulong, Barangay Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan, dakong alas-6:18 ng gabi noong Setyembre 7, 2026.

Kinilala ang akusado sa alyas na โ€œJerry,โ€ 33 taong gulang, binata, freelance tour guide, at residente ng Barangay Manocmanoc, Malay, Aklan.

Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan, noong Setyembre 2, 2026.

Nahaharap ang akusado sa tatlong bilang ng Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado sa mga kasong ito.

Nahaharap din siya sa dalawang bilang ng Statutory Rape, kung saan itinakda ng korte ang piyansang PhP36,000.00 sa bawat kaso.

Nanguna sa operasyon ang Malay Municipal Police Station, katuwang ang Aklan Police Provincial Office Tracker Team, Provincial Intelligence Unit ng Aklan PPO, at Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 6.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Malay MPS para sa kaukulang booking procedures at kasunod na pagharap sa korte kung saan nakabinbin ang mga kaso.

โ€œSa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, koordinasyon, at mabilis na police action, patuloy nating pinatutunayan na walang ligtas na taguan para sa mga wanted person. Ang batas ay mananaig, at ang hustisya ay ating ipaglalaban,” pahayag ni Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng PRO6.

Hinikayat din ng PRO6 ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa 911 ang anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted person sa kanilang komunidad.

Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang intelligence-driven manhunt operations at koordinasyon ng mga police units bilang bahagi ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng Philippine National Police na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN.”

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay