
KALIBO, Aklan- Nagsama sama sa unang pagkakataon ang buong pwersa ng mga media at miyembro ng Aklan Vloggers at Content Creators sa Aklan eto dahil sa kabutihang loob ni Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro.
Pinangunahan ni Sucro ang christmas party and fellowship para sa mga media at content creators Biyernes ng hapon sa function hall n7g BB Lodge.
Sa kaniyang naging pahayag, ibinahagi ni Sucro ang kahalagahan ng mga content creators na labis na nakakatulong para mapabilis ang pagdadala ng serbisyo at mahahalagang impormasyon sa publiko.
“Dahil sa mga media at content creators madaling nalalaman ng ating mga responders kung may mga nangyayaring aksidente. Dahil din sa mga media nalalaman natin ang mga kakulangan at pagkakamali dahilan para madali nating maayos para sa agarang solusyon,’ pahayag ni Sucro.
Napag alaman na personal na pera ni Mayor Sucro ang ginamit sa gastos sa mga pagkain, games at raffle prizes ng mga nakilahok din sa raffle. Tumulong din si Mark Sy sa pamamagitan ng kaniyang Soling Tapsideria at Area 51.
Samantala, inanunsyo naman ni Jodel Rentillo, committee chair ng media affairs ng Kalibo Festival Board (KAFEB) na magkakaroon ng Media Day sa darating na January 6, 2026 alas dos ng hapon sa second floor ng Kalibo civic center.
Pag uusapan sa nasabing media day ang lahat ng mga paghahanda at alituntunin sa pagdiriwang ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival 2026.