Connect with us

Lifestyle

Aklanon na top 1 sa Fisheries Licensure Examination, ibinahagi ang kanyang karanasan

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Nagbahagi ng kanyang karanasan si John Rey Fortu Rasgo, tubong New Washington Aklan, isang guro at ang Top 1 sa kakatapos lamang na Fisheries Licensure Examination.

Ayon kay Rasgo na hindi naging madali ang kanyang tinahak na landas upang makamit maabot ito lalo na at limitado lamang ang kanyang oras sa pag-review. Napag-alaman na sinasabay niya ang pagtutuo at pag-aaral para sa nasabing eskaminasyon.

Halos isang buwan lamang umano ang naging preparasyon niya dahilan kung kaya’t labis niyang ikinatuwa noong nalaman na top notcher siya sa kakatapos lamang na exam.

Dagdag pa nito na ang kaniyang naging inspirasyon sa pagkuha ng kursong fisheries ay ang kanyang ama na isa ring guro sa Romblon State University. Si Rasgo ay nakapagtapos sa University of the Philippine (UP) Visayas noong Hulyo 2022.

Siya ngayon ay nagtuturo sa Sorsogon State University. Aniya, gusto niya muna ngayong palawakin ang kanyang kaalaman upang matupad ang kanyang pangarap na maging isang marine scientist.

Samantala, maliban kay Rasgo, Top 6 naman si Cherry Dale Templonuevo mula sa Numancia, Aklan na nagtapos rin sa University of the Philippines Visayas – Iloilo City.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay