
MALAY, Aklan- Dalawang flight ng Cebu Pacific ang nagkansela ng biyahe sa Godofredo Ramos Airport Lunes ng umaga dahil sa problema sa brownout sa Ninoy Aquino International Airport sa Metro Manila.Ang nasabing paliparan na kilala rin sa tawag na Boracay Airport ay nasa Barangay Caticlan, Malay Aklan.
Ayon sa report ng Aviation Security Group-Caticlan ng Philippine National Police, ang apektadong flights ay ang 5J 911/912 at 5J 909/910. Dahil dito humigit kumulang diumano sa isang daan na pasahero ang na stranded sa nasabing paliparan.
Ayon naman sa report ng AVSECOM, nangako naman ang Cebu Paiacific sa mga apektadong pasahero na inilipad sila pabalik ng Metro Manila kapag bumalik na sa normal ang operasyon ng NAIA.
Kasalukuyang naka alerto ang AVSEGROUP-Caticlan sa posibilidad na posible pang madagdagan ang bilang ng mga stranded na pasahero kapag hindi kaagad naayos ang problema sa NAIA.
