Connect with us

Lifestyle

Instaglam wedding and events nominado sa Event Experts of the Philippines

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Shaine Sorrosa

Ibajay, Aklan- Isang malaking karangalan ang muling ibinida sa lalawigan ng Aklan matapos mapasama ang InstaGlam Weddings and Events bilang isa sa mga preliminary nominees para sa Event Experts of the Philippines (EEP) โ€“ Visayas and Mindanao Nomination 2025.
Ang nominasyong ito ay resulta ng isinagawang pambansang poll ng Event Experts of the Philippines (EEP), na layuning kilalanin ang mga natatanging event suppliers, coordinators, at stylists mula sa ibaโ€™t ibang rehiyon ng bansa.
Ayon sa anunsyo ng EEP, ang mga nominado ay kinakailangang isumite ang kanilang mga requirements sa opisyal na Facebook page ng Event Experts of the Philippines bago ang Nobyembre 5, 2025, upang makasama sa opisyal na listahan ng mga kalahok.
Ang grand awarding ceremony ay gaganapin sa darating na Nobyembre 22, 2025, bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Event Experts of the Philippines, na may temang โ€œPhilippine Event Industry at its Finest.โ€
Para sa InstaGlam Weddings and Events, ang nominasyong ito ay isang patunay ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad at malikhaing serbisyo sa mga kliyente sa Aklan at buong Visayas.
Ang Event Experts of the Philippines ay kilala sa pagbibigay-parangal sa mga pinakamahusay na supplier at event professionals sa bansa. Sa pamamagitan ng ganitong mga parangal, layunin ng EEP na itaas ang antas ng propesyonalismo at kalidad ng serbisyo sa Philippine event industry.
Mabuhay ang InstaGlam Weddings and Events ng Aklan โ€” tunay na ipinagmamalaki ng Visayas!

 

Bread & Butter Biscocho de Boracay