Connect with us

Business

Science Teacher Nagtayo ng Sariling Prototype ng E-Trike sa Boracay

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Boracay Island- Inspirasyon sa maraming mga residente ng Barangay Yapak  ang initiative ng kanilang ka barangay na dating science teacher at ngayon ay tour guide na magtayo ng sariling kumpanya ng e-trike para makatulong hindi lamang para sa kanyang mga ka Boracay kung hindi pati na rin sa buong lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Fernando Evangelio Delos Reyes, personal na bumisita ang ilang empleyado ng Department of Energy para tignan ang kanyang proyekto. Si Delos Reyes ay dating biology science teacher sa Yapak.
“Kasalukuyang nag aasemble ako ng nasa 40 prototype ng e-trike sa mainland ng Malay. Umaasa akong makakatulong eto lalo na sa hanapbuhay lalo na ng aking mga ka barangay sa Boracay,” pahayag ni Delos Reyes sa Boracay Island News Network (BINN).
Maliban sa pagiging tour guide, miyembro din si Delos Reyes ng Sanguniang Barangay ng Yapak.
Napag alaman na ang dahilan kaya binisita ng mga taga DoE ang pasilidad ni Delos Reyes sa Barangay Yapak ay kabahagi ng proseso nitong maging legit ang operasyon ng kanyang kumpanya.
Sa kasalukuyan, lahat ng bumibiyahe e-trike sa e-trike ay either gawa sa abroad o sa iba pang lungsod sa labas ng lalawigan ng Aklan.
“Umaasa akong tutulungan din ako ng Aklan provincial government sa aking proyekto,” pahayag pa ni Delos Reyes.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay