
KALIBO, Aklan- Nagpahayag ng suporta si dating Aklan Governor Florencio Miraflores sa pagka kandidatura ni Chavit Singson, dating Ilocos Sur Governor sa kaniyang pagtakbo sa senado.
Sinamahan ni Miraflores at ni Vice Governor Reynaldo Quimpo sa pagbisita ni Singson sa lalawigan ng Aklan. Nasa Aklan si Singson dahil sa planong pag lunsad nito ng proyekto para matulungan ag sektor ng transportasyon sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Miraflores, itinuturing niyang kaibigan si Chavit at malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya sa lalawigan ng Aklan.
Sa ilalim ng programa ni Singson, makaka avail ng P1.2 million na halaga ng modernized jeepney ang bawat driver sa pamamagitan ng downpayment scheme sa mga nais makilahok sa nasabing programa. Kasalukuyang nasa P3 million ag halaga ng modernized jeepney sa merkado.
Ayon naman kay Efren Trinidad, isang respetadong political analyst sa Aklan malaki ang tsansa ni Singson na manalo sa pagka senado sa lalawigan ng Aklan dahil sa endorsement na ito ni Miraflores. Si Miraflores ang siyang kinikilalang ama ng Tibyog Aklan sa kasalukuyan.
Ang Tibyog ay grupo ng mayorya ng mga pulitiko sa Aklan.